Pinagmasdan niya itong mabuti mula ulo hanggang paa. At sa mga sandaling iyon ay napagtanto na niya sa sarili na ito na ang babaeng matagal na niyang hinihintay na makilala. At parang sinadya ng tadhanang makita niya muli ito kung kaylan malaya na siya dahil mga isang buwan na rin ang nakalipas nang makipag-hiwalay siya sa kanyang dating kasintahan. Galit na galit ito sa kanya dahil sa ginawa niyang pakikipaghiwalay. Subalit, ipinaalala ni Henry dito na malinaw ang usapan nila mula sa umpisa. Pumayag siyang makipagrelasyon kay Maricris dahil wala naman siyang girlfriend noon at palagi itong nakasunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Nilinaw niyang hindi niya ito mahal. Pumayag itong palayain siya sa sandaling magpagtanto nila na walang magandang patutunguhan ang relasyon nila. Sinubukan din