Basta ako, haharapin ko ang buhay na wala ka na. Hindi na ako malulungkot, asa pa siya. Saka ang ganda ko yata sabi ni Henry. Nangiti uli siya nang sumagi sa isip niya ang mga binatawang salita sa kanya nito nang makitang may luhang tumutulo sa mga mata niya kanina sa may dalampasigan. Ilang sandali lang ay naidlip na rin siya.
           ANG ganda talaga ni Alana, buti na lang mabilis ko siyang nasundan matapos kong makitang umiiyak kanina malapit sa isang restaurant. Ang lungkot-lungkot niya siguro kanina. Hindi man lang niya namalayan na sinusundan ko ang taxing sinasakyan niya. Unang nasilayan ni Henry ang kagandahan ni Alana sa isang bangkong minsang napuntahan niya. Nakaupo siya at nakikipag-usap sa harap ng isang New Accounts Clerk habang nagbubukas ng account sa bangkong pinagtratrabahuhan nito nang mapansin niya si Alana.