na ang makasama sa habang-buhay. Pero bakit ngayon parang natatawa na lang ako sa lahat ng mga nangyari. Parang natutuwa pa nga yata ako na nahuli ko siyang nambabae. Tama nga yata ang sabi ng mga kaibigan ko, balang araw mare-realize ko rin na hindi ko talaga mahal si Francis, nababaitan lang ako dito. Dahil sa lahat ng lalaking nanligaw sa akin parang siya ang hgit na nagpakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa akin. Pero kunwari lang pala iyon. Babaero din pala ang mokong na iyon tulad ng iba diyan. Ay naku, bahala ka kung hindi ka makontento sa kagandahan ko, magpakasawa ka sa piling ng babaeng iyon.