Chapter 3         
   
          NANG mapansing nakaalis na ang binata, nagpasya si Alana na mahiga na muna sa kama. Parang natatawa pa rin siya nang kunti kapag naiisip ang ginawang pagsagip sa kanya ni Henry. Sandali lang, di ba dapat malungkot ako ngayon kahit papano, biglang tanong niya sa sarili. Nahuli kong may kasamang ibang babae ang boyfriend ko tapos ito ako, ngingiti-ngiti lang sa resort na ito. Nakalimutan ko na ba kaagad ang taong iyon. Parang ang bilis ko naman yatang maka-recover. Hindi naman kaya hindi ko na mahal si Jonathan. Pero noong isang araw lang parang gusto kong siya