niya itong mahalin subalit sadyang hindi niya magawa kahit anong pilit niya sa sarili. Maganda at mabait din ang dati niyang kasintahan. Isang babaeng maipagmamalaking ipakilala sa mga kaibigan at kapamilya. Subalit sa mahabang panahon ay hindi niya nagawang suklian ang pagmamahal na iniuukol sa kanya nito. Pinalipas muna niya ang mga ilang araw bago niya napagpasyang bumalik sa nasabing bangko at makipagkilala sa nakita niyang magandang dalaga doon. At iyon nga bago pa siya tuluyang makarating sa bangkong pinagtratrabahuhan nito, ay nakita niyang mabilis itong naglalakad at umiiyak sa kalsada. Sinundan niya ito ng sinundan habang menamaneho ang kanyang bagong sasakyan hanggang sa umabot na nga sila sa resort na iyon. Tamang-tama pala ang pagpunta ko sa kanya para