magpakilala na sana, natutuwang naisip niya. Ni hindi ko nga alam dati na may boyfriend na pala si Alana, pero di bale tutal ngayon hiwalay na naman sila. Binigyan ako ng isang magandang pagkakataon, at hindi ko ito sasayangin. Hahanap ako ng paraan para mapa-ibig ko rin siya, gaya nang pagmamahal ko sa kanya. Buti na lang mukhang nakagaanan niya agad ako ng loob matapos ko siyang mapatawa sa simpli kong hirit kanina. Aabangan ko siya bukas sa dalamapasigan, sisikapin kong makakalimutan na niya ang taong iyon at ako at ako na lang ang iisipin niya, wala nang iba pa, paniniyak niya sa sarili habang nakahiga sa kanyang malambot na kama sa malamig na kwartong tinutuluyan. At kagaya ni Alana naidlip na rin ang binata.