"Talagang, talaga. Nakita ko kasi ang boyfriend ko, hinahalikan ng isang babae sa isang restaurant.  Pagtataksilan ako, doon pa talaga sa babaeng sigurado akong mas maganda pa ako."
          "Ah... oo sigurado akong mas maganda ka nga do'n..." nakangiting sabi nito sa harapan niya.
          "Ha papano mo naman nalaman, eh wala ka naman doon," medyo nagtataka at nakangiting tanong niya.
          "Wala lang, parang sobrang swerte naman ng boyfriend mo pag nakahanap pa siya ng mas maganda pa sa iyo. Ako nga eh ang pogi-pogi ko na nga eh hindi pa ako nagkaka-girlffriend ng kasing ganda mo eh. Mabuti na lang at wala ka pala talagang binalak na gawing masama kanina..."