"Talagang-talaga baka sila pa ang lunurin ko dito!" sagot niya saka napahagalpak sa tawa. Napatitig naman ang binatang ito dahil lalo pa siyang gumanda habang malakas na tumatawa sa may dalampasigan.
"Oh sigi diyan ka na, salamat na lang sa pagligtas mo sa akin." at biglang tumalikod at nagtungo sa tinutuluyang cottage niya sa loob ng resort.
          "Hoy, ganon na lang ha. Wala ka bang naiisip ha?" habol nito sa kanya habang patuloy na naglalakad sa may buhanginan.
          "Anong sabi mo?" nakangiting tanong niya.
          "Wala lang, tingnan mo, isang magandang babae, niligtas ng poging-poging lalake. Hindi mo ba naiisip, baka sinadyang makita mo ako ngayon, at sinadyang makita kita--"