"Ha, may binabalak ka nga talagang gawing masama kanina ano..." mahinang banggit nito habang nakatingin sa kanya.
          "Ikaw talaga, sabi nang wala eh..." natatawang sagot niya habang dahan-dahang pinupunasan
ang mga mata ng kanyang mga palad.
          "Ibibigay ko sana itong panyo ko pampahid ng luha mo kaso basa na rin eh..."
           Bigla siyang natawa sa narinig niya sa poging binata sa harapan niya.
          "Sigi na nga, oo may problema nga ako pero, mas nagagalit ako kaysa sa nalulungkot. Parang gusto ko ngang manuntok at manipa eh!" nakangiting pahayag niya dito.
          "Talaga..." nakangiting nasabi na lang nito.