"Pasensya na Miss ikaw naman kasi eh..." kakamot-kamot na pahayag nito habang nakatingin sa magandang mukha niya.
          "Eywan ko sa iyo, diyan ka na nga!" Sabay lakad pabalik sa may dalampasigan pero
mabilis ding natigilan at nangiti ng kunti.
          "Miss na maganda pasenya na uli ha.." pahabol na pahayag muli nito habang nakasunod sa kanya.
          Pagkarating niya sa may dalampasigan ay agad siyang tumalikod at humarap dito. "Sigi na nga okey na, papatawarin na kita. Sabi mo kasi maganda ako eh. Kailangan ko kasing marinig ngayon iyan eh..." at biglang napahagulgol at tumulo ang mga luha niya.