"Ano ba iyang labis-labis mong iniiyakan ha, pera ba ha?" malakas na tanong nito. "Kung gusto mo pauutangin kita!"
          "Hoy bitawan mo nga ako!" muling sigaw niya. "Sino bang may masamang binabalak gawin ha, hoy okey
ka lang!"
          Biglang natigilan ang nagpapakabayaning lalaking ito at dahan-dahang bumitaw sa balengkenitan niyang beywang. "Ha wala ka palang binabalak gawing masama dito sa dagat, pasensya ka na akala ko kasi meyron..." nahihiyang banggit nito sabay kamot sa ulo.
          "Opo, wala po akong binabalak na gawing masama dito sa dagat sir, walang wala ho talaga sir! Ang laki ng problema mo!" inis na inis na sagot niya sabay talikod at harap sa lalakeng nagtangkang sumaklolo sa kanya.