"Siguradong-sigurado," mabilis nitong sagot na hinawakan pa ang isa pang palad nito. Magkaharap na silang nakatayo at tinitingnan ang isa't isa. Ngitian lang sila ng ngitian at masasalamin sa mata ng bawat isa ang nararamdamang paghanga nila para sa isa't isa. Nagkusa nang bumitaw ito sa mga kamay niya kahit ayaw pa naman talaga nitong bitawan dahil gusto niyang maipadama rito ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa kanya. Niyaya na agad siya nito na lumabas na ng opisina nito, pero nang mapansing pinagmamasdan niya ang buong paligid nito ay nagpasya itong umopo muna sa likod ng kanyang misa. Mula sa kinauupuan nito ay binigyan siya nito ng matamis na ngiti na hindi niya maitangging agd na nagpakilig sa kanya. Ang masayahin at pilyong binata ay isa pa lang mahalaga at iginagalang na lalaking may mataas na katungkulan sa isang