pumasok rito Alana. Tingnan natin kong hindi ka lalong gumanda pa sa tabi ko!"
Pumasok naman siya agad at nang makita niya ito ay hindi niya mapigilang mapahanga rin agad sa kapogian at kakisigan nito. Hinila naman agad siya nito paharap sa salamin. "O di ba lalo kang gumanda sa tabi ko."
"Oo na at alam ko na kung bakit, alam na alam..." diin pa niya na nagpangisi lang rito.
"Tingnan mo nga di ba sabi ko sa iyo, bagay na bagay tayong dalawa," hirit pa uli nito at agad muling hinawakan ang palad niya.
Nakangiting nagkibit-balikat lang siya pagkatapos ay tinanong niya ito. "Sigurado ka ba talagang gusto mo na akong ipakilala sa mga magulang mo ha?"