malaking kumpanya. At bigla itong humirit muli. "Alam mo ba kung ano ang naiisip ko mula rito sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan kita Alana ha?" at nang hindi siya umimik ay sinagot nito ang sariling tanong pero pinutol din sa kalagitnaan."Nakikita kong pumapasok ka rito na may kasamang dalawang maliliit na..." Pinagmasdang mabuti nito ang ekspresyon ng mukha nito at nang mapansing nakangiti lang siya at waring naiintindihana ang ibig nitong ipahiwatig ay nagpasya nang tumayo mula sa kinauupuan nito. Agad itong muling lumapit sa kanya. Muli nitong hinawakan ang dalawang mga kamay niya at tinitigan ang kanyang mga mata at nagpahayag ng pagmamahal. "Mahal na mahal kita Alana..."