seat. Panay pa rin ang kulitan ng dalawa at paminsan-minsa'y kinukulit rin siya nito. Pagkatapos ng ilang sandali'y nakarating na agad sila sa bahay niya. Mabilis na bumaba ang bata at pumasok papaloob ng gate. Tumigil ito sa tapat ng pintuan ng bahay niya.
       Nang makalapit na silang dalawa ay muli itong nagyaya. "Pasok na tayo sa loob ng bahay mo Ate Alana." Binuksan naman agad niya ang pintuan at naunang pumasok ang bata. Agad itong tumayo sa gitna ng sala at pinagmasdan ang buong kabahayan. "Maganda rin pala ang bahay mo Ate Alana."
      "Oo Miggy maganda talaga ang bahay ni Ate Alana mo parehas ng nakatira," nakangiting hirit nito. Ngumiti lang din siya sa dalawa. Binuksan agad ng bata ang malaking TV niya at niyaya silang manood na dalawa. Nasa gitna nila ang bata