sa kanyang sofa. Tawa ng tawa ito sa pinapanood nila. Nakitawa rin silang dalawa rito. Buong-buo ang kasiyahan nito kasama silang dalawa. Ilang sandali pa'y nakatulog na ito marahil ay sa pagod na rin sa mahabang paglalaro sa park. Nagkatinginang muli ang dalawa. Tumayo sandali ito at lumayo ng bahagya. Tinawagan nito ang kanilang family driver. Pagkatapos ay muling lumapit sa kanya. Tahimik na muling ipinagpatuloy ng dalawa ang panonood ng palabas sa TV niya. Waring nagpapakiramdaman sila kung ano ang iniisip at nararamdaman ng bawat isa sa kanila. Pagkarating ng driver ay agad itong pumasok sa loob ng bahay at binuhat ang natutulog na bata. Sumama si Henry ng tuluyan ng inilabas ng driver ang natutulog na bata papunta sa sakyang dinala nito. Pagkaalis ng driver nito ay muli itong pumasok sa