loob ng bahay niya. Nakita agad niya ito mula sa kanyang kinauupuan. Tahimik na muli itong umopo sa tabi niya sa may sofa.
Sumulyap muli siya rito sa tabi niya sa ibaba ng bahay niya. "Henry hindi ka pa ba uuwi ha?" marahang tanong niya.
Hindi tumitinging sumagot ito sa kanya. "Hindi."
"Pero Henry... alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon, di ba. Naiintindihan mo naman ako hindi ba..." sambit niya rito. "Mali na magkasama pa tayo... alam mo iyan."
"Pagbigyan mo ako Alana, hayaan mo na muna akong makasama ka pa sa gabing ito," marahang pahayag nito.
Gustong-gusto niyang pumayag sa kahilingan nito dahil gusto rin naman niya itong makasama pa. Mahal na mahal na