sa gitna ng kulitan at kunting kwentuhan. Masayang-masaya ang bata kasama nila. Ilang sandali pa'y may hiniling ito  sa kanya. Habang nakaupo silang magkakatabi ay tumingala ito sa kanya mula sa gitna nilang dalawa. "Ate Alana punta naman tayo sa inyo para makita ko ang bahay mo," pagyaya nito sa kanya. Tatanggi sana siya, pero bigla na lang itong tumakbo papunta sa nakaparadang sasakyan nito. "Halina kayo kuya Henry!" yaya muli nito ng makalapit sa sasakyan nito. Nagkatinginan muli ang dalawa.
      Nagkabit-balikat lang ito na nakangiti nang bahagya. "Halika na Alana..." sabi nito at agad na tumayo papalapit sa sasakyan nito. Wala na siyang nagawa kundi sumunod na lang sa dalawa. Agad na nakasakay ang tatlo. Nagmanehong muli ito. Sa likuran siya naupo at ang bata sa tabi nito sa front