nalungkot muli pagkatapos. Bumuntong-hininga siya at muling pinagmasdan ito. Mahal na mahal din kita Henry, kaya lang mali, hindi dapat,  tahimik na sagot niya. Naramdaman niyang bumuga ito ng hangin. Pagkatapos ay tumayo ito at nilapitan ang naglalarong bata. Nakipagkulitan agad ito sa bata. Napansin niyang gustong-gusto ito ng bata. Totoong kuya na ang tingin nito rito at ito'y ganoon rin dito. Nakikita niyang nakangiti at nakatawa si Henry pero batid niyang tulad niya nahihirapan at nalulungkot pa rin ito. Ilang sandali lang ay tinawag siya ng mga ito para sumali sa
kanila. Pumayag naman siya at nagpasalamat na rin siya dahil kahit papano'y naibsan ang kalungkutang nararamdaman niya sa mga tawa at halakhak ng bata. Pagkatapos ay nagpabili rin ito ng ice cream kay Henry. Pinagbigyan naman niya ito. Sabay-sabay silang kumain nito