Henry ang kasagutan sa pamamagitan ng mga luha niya.
      "Mahal mo rin ako Alana, nararamdaman kong mahal mo rin ako," nasambit nito matapos alisin ang paningin sa kanya. "Ayaw mo lang makasakit ng ibang tao kaya hindi mo maamin sa akin."
      Pinahid niya ang kanyang mga luha at pilit na kinalma ang sarili. "Ayokong sinasaktan ako, pero ayaw ko ring manakit ng kapwa. Wala siyang kasalanan sa akin, kaya wala akong karapatang saktan siya.
      Pero ako naman ngayon ang nasasaktan Alana, tayong dalawa.... tahimik na sagot niya. Muling nangilid ang mga luha sa mata nito. Nagbuga na lang ito ng hangin at umusal. "Aaaah.... bakit ba nangyari sa ating dalawa ito. Kung bakit naman kasi hindi pa nagtaksil ang mokong na iyon."
      Natawa nang bahagya si Alana sa narinig. Pero agad ring