Hindi siya umimik nang mapansing muli ang kalungkutan sa mga mata nito.
      Pumikit ito ng mariin. "Ang hirap-hirap ang lapit mo sa akin pero hindi man lang kita mahawakan Alana..."
      Muling nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Napansin nito ang mga luhang namuo sa mga mata niya. Napagtanto nito na pareho ang nararamdaman nilang dalawa sa mga sandaling iyon, hindi man nito aminin. Nangilid din ang mga luha nito. "Mahal na mahal kita Alana... Mahal mo rin ba ako ha?" mahinang tanong niya rito.
     Hindi siya umimik. Yumuko siya nang bahagya nang tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya sa mga mata. Pakiramdam niya' y gustong sumabog ng puso niya. Gusto niyang ipagtapat rito na mahal niya na rin ito. Subalit alam niyang hindi ito tama. Hinayaan na lang niyang malaman ni