sana siya palabas pero mabilis nitong nahawakan ang kanang braso niya na agad namang nagpatigil sa kanya sa lakas nito.
"Pupunta tayo sa office ko Alana..." marahang sagot nito na nakatingin sa mukha niya.
"Ha anong office mo, ano ka ba rito sikat na roomboy na may office ha?" nanunuyang tanong nito na kahit papano'y kumalma na.
"Ikaw talaga kung hindi ka lang gumaganda pag nagsusungit ka," nasabi na lang nito at agad na binuksan ang isang maliit na pintuan sa harapan nila. Agad niya itong binuksan at nagulat agad siya sa nakita niya.
"Ano 'to ba't maraming mga...."
"Department Store opo, amin iyan CEO ako dito," mabilis nitong sagot. "Itong pintuang ito, piginawa ko ito para