Chapter 7

           "HOY ikaw, ba't mo itinigil ang sasakyan mo dito! Anong akala mo sa akin!" nagimbal na pahayag ni Alana.
           "Sandali lang, papasok lang tayo riyan para maligo," sagot naman nito. "Galing tayong dagat, nakalimutan nating maligo pagkatapos."
           "Ayoko pa rin, umalis na tayo rito kundi magagalit na talaga ako sa iyo," pagbabanta na niya dito.
           "Kahit lambingin kita at kulitin kita nang kulitin hindi ka pa rin papayag ha," sabi nito. 
           "Huli na 'to, paandarin mo na iyang sasakyan mo at umalis na tayo dito, Henry!" pagalit na utos niya dito.
           "Ikaw naman magagawa ko ba sa iyo iyan eh alam ko namang mabuti kang babae," nakangiting pahayag nito. "Pero tutuloy pa rin tayo para maligo." At agad na pinaharorot ang sasakyan paloob at bago pa siya makapagsalitang muli ay ipinapakan na agad nito ang preno at tumigil.
           Galit na galit na tinitigan ni Alana ito. Tatakbo na lang