mabilis kong matakasan ang mga makukulit kong girlfriend dati. Pero ikaw idinaan kita dito, kasi ikaw ang mahal ko. Hinding-hindi ko kailan man gagamitin ang pintuang ito para takbuhan ka."
            "Talaga..." nasabi na lang niya. Agad naman siyang inakay papasok nito at nagulat siya sa mga naging reaction ng mga Salesladies na nakakita sa kanila.
            "Ano ito milagro!" mabilis na hirit ng isang medyo may edad nang babaeng nakauniporme. "Hindi ba't ginagamit mo ang pintuang iyan para takasan mo ang mga chicks mo ha? Ba't ngayon pumasok kang may kasamang babae riyan?" sunod-sunod na tanong nito.
            "Oo nga milagro nga!" halos sabay-sabay na nasabi ng iba pang mga tauhan nito.