"Hindi milagro to, ang tawag dito pagmamahal, pag-ibig, love," sagot naman nito sa mga ito. Yumuko ito ng bahagya para mapagmasdang mabuti ang mukha niya. "Magandang- maganda itong kasama ko hindi ba?"
            "Opo sir, magandang-maganda po! Good afternoon po Ma'am...." magalang at sabay-sabay na greetings ng mga empleyado nito.
            Sumulyap muna siya kay Henry at nang makita niyang tumango ito ng bahagya ay bumati na rin siya sa mga ito. "Good evening din..."
            "Ang ganda niyo naman ma'am," puri ng may edad nang babaeng lumapit sa kanila.
            "Magandang-maganda," mabilis na pagsang-ayon nito at agad na may ibinulong na utos dito.
            Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa, kaya nagkasya na lang siyang panoorin ang kabuuan ng first