floor ng Department Store nito. Ilang sandali lang ay inakay na siyang muli ni Henry. Akyat tayo, pupunta na tayo sa office ko. Muli na naman siyang inalalayan nito at nang makapasok na sa loob ng elevator ay muli niyang pinagmasdan ang mukha nito. Napansin niyang kalmadong kalamado ito. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Sumulyap ito sa kanya at ngumiti ng bahagya. "Sorry kung tinakot kita," umpisa nito. "Pero kailangan kong gawin iyon para makilala mo agad ako nang lubusan. Para malaman mo agad kung ano ako sa ibang mga babae at kung ano ako sa iyo.
Hindi na siya sumagot ni umimik man lang. Tinanggap na lang niya ang muling paghawak ng kamay nito sa kanyang kamay. Pero sa mga sandaling iyon ay hindi na ito nagkasya sa paghawak-hawak lang ng kamay niya, inakbayan na niya