ito at ilang sandali lang bumukas na ang pintuan ng elevator at bumangad sa harapan niya ang labas ng opisina nito. Agad silang binati ng sekretarya nito. Binati din naman agad nila ito pabalik. Inutusan naman agad nitong ipagtimpla sila ng kape. At nang makaalis na ito ay binuksan ni Henry ang pintuan ng kanyang office, ni hindi ito pumasok paloob. Itinuro lang niya ang pintuan kung saan naroroon ang kanyang bathroom.
            "Dito lang ako sa labas ng office ko, pumasok ka na sa loob at maligo Alana," utos nito. "Pagkatapos mo ay ako naman ang maliligo. Kaya bilisan mo, akin iyan hindi pa sa iyo," biro nito uli na nagpatawa sa kanya nang bahagya.
            "Sandali papano wala akong dalang damit dito," pahayag niya dito.
            "Ibinulong ko na kanina nang nasa first floor pa tayo,