malamang dumating na ang mga iyon maya-maya lang," sagot nito. "Huwag kang mag-alala magaling iyon, isang tingin alam na agad niyon ang sukat mo. Pinadamihan ko na lang ang pinakiusap ko para mapagpilian mo pagkatapos."
            Ngumiting nagpasalamat na lang siya at matapos niyang maisara ang pintuan ng office nito ay agad nang nagtuloy sa banyo. Nakita niyang marami ang nakatupeng bagong tuwalya dito kaya natuwa siya at may magagamit siya. Matapos niyang mabuksan ang shower ay agad siyang naligo. Mabilis siyang natapos at nagpatuyo. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagkatok sa pintuan ng office nito kaya lumabas na siyang nakatapis ng tuwalya. Narinig niya ang boses ng isang babae at mabilis niya itong nabosesan. Lumapit kaagad siya at pintuan at bahagyang sumilip.