"Pumasok ka na sa loob Cheding." Narinig niyang utos ni Henry. Pagkatapos maisarang muli ang pintuan ay agad nitong inilatag sa mahabang sofa ang dalang mga bistida. At laking gulat niya dahil tama ang sinabi nito na magaling kumuha ng sukat ang babaeng ito sa isang tinginan lang. Natuwa siya sa napili niyang green na bistida. Bagay na bagay ito sa kanya habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin sa loob ng office nito.
            "Nagustuhan niyo po ba ang damit na iyan Ma'am?" magalang na tanong na bahagyang nakangiti sa kanya.
            "Opo," sagot naman niya. "Maraming salamat po."
            "Ano pwede na ba akong pumasok ha?" medyo pabirong tanong nito mula sa labas. "Okey na, wala nang peligro ha?"
            "Opo sir, pwedeng-pwede na po!" sagot naman ng