sampung minuto ay nakita na nila si Mariel. Agad silang kinawayan nito at senenyasang bumaba na.
NAGTATAKANG pinagmasdan ni Alana ang kaibigan. Napansin niyang kakaiba ang kinikilos nito. Nagtataka siya sa mga kilos nito na parang ingat-na ingat
Kaya bumaba na agad sila ni Henry. Nagkatinginan pang muli silang dalawa na parehong nagtataka sa mga kinikilos nito na parang sukat na sukat. Kinawayan pa sila nitong muli na mukhang lalo pang ingat na ingat. Pagkalapit nila'y ni hindi ito nagsalita basta na lang ito tumalikod at agad na may itinuro sa loob ng isang restaurant. Hindi siya maaring magkamali ang lalaking nakatalikod na nakaupo sa isang misa roon ay si Jonathan. May inaakbayan itong isang babae. Kitang-kita niya ito sa loob ng salaming dingding ng restaurant. Bigla nitong hinalikan ang kaakbay sa may pisngi