Chapter 14

       HABANG patuloy siyang nagmamaneho ay hindi nito maiwasang pagmasdang mabuti ang mukha nito. Gusto niyang sulitin kahit papano ang mga nalalabing sandali ng kanilang pagsasamang dalawa. Dahil batid niyang malapit na silang tuluyang magkahiwalay. Nasasaktan siya pag naiisip niya ito pero pilit niya itong linalabanan. Nararamdaman nito ang madalas na pagsulyap-sulyap niya rito kaya pinilit nitong ngitian siya para maibsan man lang ang kalungkutan niya at kahit papaano'y gumaan din ang pakiramdam nito. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho gusto niyang maihatid ito sa kahuli-hulihang pagkakataon. At pagkatapos ng mga