nito. Kinurot naman agad ito ng babae. Pagkatapos ay inilapit nitong muli ang kanyang ulo at hinalikan sa labi. Napalatak si Henry sa nakita. At kaagad na hinawakan ang mga kamay niya at nagsabing. "Papano iyan Alana mukhang pinagtataksilan ka ng boyfriend mo," nasabi nito at agad na tumawa. "Naku baka nagkakamali ako, baka beso lang iyang nakikita natin."
"Sandali lang Henry, dito ka lang muna..." marahan at kalmadong sabi niya.
"Anong dito lang ako, sasama ako, nasa likod mo lang ako," sagot naman agad nito.
Dahan-dahang lumapit siya sa pintuan ng restaurant. Maingat niyang binuksan ang malaking pintuan nito. Pagkatapos ay tahimik na pumasok papaloob. Bigla siyang inunahan ni Henry. Naglakad ito at kaaga na umupo sa isang