mesa sa likuran nila. Lumapit pa siya nang lumapit sa kanila. Napakunot ang noo niya sa natuklasan. Malaki na ang tiyan ng babaeng hinalikan ni Jonathan sa may labi, buntis ito. Napabuga siya ng hangin sa likuran nila. Naramdaman agad ito ni Jonathan at lumingon. Nagulat agad ito pagkakita sa kanya na nakatayo at nakatingin sa mga ito. Napansin din siya ng kasamang babae nito na kaagad na nagtanong. "Kilala mo ba ang babaeng ito ha Jonathan ha?"
       Hindi makasagot ito. Mukha itong binuhusan ng malamig na yelo. Takot na takot ito at hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin. Muling nagtanong ang kasamang babae nito. "Ano bang maipaglilingkod namin sa iyo Miss?"
       Huminga muna siya ng malalim bago nagpakilala. "Ako si Alana, girlfriend ni Jonathan."