pinisil nito ang kanyang palad at lalo pang umisod papalapit sa kanya. Tumingala at tumingin muli siya rito. Nakayuko ito ng bahagya at nakatitig sa mga mata niya na parang tinitingnan kong magproprotesta ba siya sa ginawa nitong lalong pagdikit sa tabi. At nang hindi siya umimik ay muli nitong pinisil ang kanyang palad na parang nagmamalaki. Nararamdaman niyang gustong-gusto siya nito at hindi niya mapigilan ang sariling umasa nang tahimik na manatili iyon sa mahabang panahon.
NAGPATULOY sa paglalayag sina Henry at Alana pabalik sa beach resort at ilang sandali pa ay natanaw na nila ang mga mapuputing buhangin at ang naggagandahang mga bahay-kubo. Pagkarating na pagkarating nila ay muli niyang inalalayan sa pagbaba si Alana. Sa isip niya, sana sa simpli niyang pag-aalalay dito ay maramdaman nitong totoo at