Nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hanging dagat sa pisngi niya na siya ring dumadampi sa mga pisngi ng napakagandang babaeng nakatingin sa kanya. Nakita niya ang kaligayahan sa mga mata nito at ipinangako niya sa sariling mananatili itong maligaya sa piling niya, sa pagmamahal niya.
           NAPANSIN din ni Alana ang kasiyahan sa mga mata ni Henry. Ang pagkakalapit nito sa kanya'y nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Hindi niya mapigilang ngumiti dahil nararamdaman niyang ang pagpayag niyang makasama ito ay nagdulot dito ng kaligayahan. Kaligayahang hindi nito ikinukubli bagkos ay parang ipinagsisigawan pa ng mga mata nito. Ang ngiti ng mga mata nito'y nagpapangiti rin sa kanya. Napansin niyang parang binabasa nito ang iniisip niya kaya nag-iwas siya ng tingin subalit naramdaman din niyang