dalisay ang hangarin niya para dito. Ang mahalin ito at pakaingatan habang-buhay. Nagtaka siya bigla dahil parang may namuong luha sa mga mata niya nang maisip niya ang mga iyon. At sa mga sandaling iyon ay agad niyang napagtanto na ang babaeng inaalalayan niya ay ang babaeng itinakdang makasama niya sa loob ng isang masayang tahanan. Sa ganoon kabilis, sa ganoon kaaga, gusto na niya itong pakasalan. At napahinga siya ng malalim sa mga naisip niya, napakaligaya niya. Umaapaw ang puso niya sa kaligayahan at natatawang naisip niya na huwag sanang makita ni kupido ang puso niya at panain pa at baka tuluyan na itong sumabog. Napakaligaya ko, napakaligaya ko muli niyang nasambit nang tahimik. Napansin niyang pinagmamasdan siyang mabuti nito kaya itinigil niya ang pag-iisip at nagkasya na lamang na pagmasdan ito paminsan-