minsan habang naglalakad sila papunta sa kanyang nakaparadang sasakyan.
          TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Alana si Henry habang binubuksan nito ang pintuan sa harapan ng kanyang sasakyan. Umupo siya nang maayos sa front seat matapos siyang alalayan siya nito papasok. Aminado siyang lobha siyang napapasaya nito higit pa sa nagawa ng dati niyang boyfriend. At umasa siyang ganoon din siya dito. Natigilan siya sandali nang mapagtantong, nagsisimula na niyang isipin ang kaligayahan nito, ang kaligayahan ng lalakeng kahapon lang niya nakilala. Napahinga siya nang malalim at napailing na sa ganoon kabilis ang lalaking ito ay naging napakahalga sa kanya, sa buhay niya. Halos hindi siya makahinga sa nararamdaman niya. Umiibig na ba ako sa kanya, nakapikit ang mga matang naitanong niya sarili. At sa ganoon din