kabilis nasagot niya ang sarili niyang katanungan subalit iwinagliti niya agad ito sa isipan niya dahil alam niyang may mga kailangan pa siyang gawin, ayusin para maging tuluyan na siyang malaya na maging maligaya sa tabi nito, sa piling nito. Huminga muli siya nang malalim at muling itinuon ang pansin sa kalsadang dinaraanan ng menamanehong sasakyan nito. Iniwasan niya na munang tumingin o sumulyap man lang dito. Natatakot siya na baka mas lalo pang mahulog ang damdamin niya dito. Pagkat batid niyang lobhang napakaaga pa para magkaroon siya ng ganoong uring damdamin para dito. Itinutok niya ang buo niyang atensyon sa mga gusali at mga sasakyang kanilang nalalampasan. Subalit kahit anong pilit niyang iwasang sulyapan ito, sa tuwing nararamdaman niyang pinagmamasdan siya nito ay may nararamdaman siyang kung ano na nagpapalito sa kanya subalit nagdudulot