din sa kanya ng kasiyahan. Alam na alam niyang nakangiti itong nakatitig sa mukha niya. Hanggang sa unti-unti na siyang mag-alala dahil parang hindi na ito tumitingin sa kalsadang kanilang dinaraanan. Sa pag-aala niya napilitan siyang humirit ng kunti dito. "Hindi ako ang daan, nasa harapan baka nakakalimutan mo," sabi niya at napilitang muling sulyapan ito. Subalit nginitian lang siya nito at nagpatuloy lang sa ganoong ayos, lalo pa nitong ipinangalandakan ang ginagawang pagtitig at paghanga sa maamo at maganda niyang mukha. Kaya ngingiti-ngiti at pabirong tinakpan na ni Alana ang mukha niya ng dalawa niyang mga kamay sa kanyang kinauupuan.lalo pa niyang pinaganda ang mukha niyaikunot ang kanyang noo at pinagsalubong pa ang kilay. "Siguro naman ay makakapag-focus ka na niyan sa pagmamaneho mo." Subalit pinagtawanan lang siya nito.
"Akala mo lang iyan, kahit anong gawin mo, takpan mo man iyang mukha mo, tumatagos ang mga mata ko, kita ko pa rin iyang napakaganda mong mukha, Alana," sabi ng binata habang nakatitig pa rin sa magandang dalaga sa tabi nito sa loob ng kotse. Habang nakatitig sa dalaga ay napansin nitong namumula na ang mukha ni Alana nang bahagyang maigalaw niya ang isang palad. Napansin nitong hindi niya matagalan ang mga titig nito.