"Pero sigi hindi na muna kita titingnan at namumula ka na diyan, sabi ko na nga ba eh poging-poging ka sa akin," nakatawang pagmamayabang nito. At ganoon lang, bigla itong sumeryoso at muling itinuon ang atensyon sa kanyang pagmamaneho. Nagkunwari pa itong tumitingin-tingin nang maayos at sumusunod sa lahat ng mga road signs na nadaraanan nila. "Huwag kang mag-alala safe na safe ka sa akin, maliban na lang kong ibang gusto mo," pilyong hirit pa nito.
"Patawarin ko na lang kaya ang dating boyfriend ko no," mahinang birong pahayag nito na may bahid nang kunting pagbabanta at pang-aasar.
Subalit napansin niyang pilit nitong pinipigilan ang sariling matawa sa mga sinabi niya rito. "Hoy anong tinatawa-tawa mo riyan. Anong nakakatawa sa sinabi ko ha,