akala ko ba may gusto ka sa akin. Hindi ka ba natatakot na magkabalikan kami ha pag pinatawad ko siya ?" medyo napipikon na niyang tanong dito.
           "Ha talaga lang ha, papano mo patatawarin ang isang taong hindi ka na naman galit," mabilis na sagot nito. "Baka nga mahalikan mo pa siya sa tuwa mo sa ginawa niya. Sandali, huwag handshake lang pala. Gusto ko para sa akin na lang iyang mga halik mo."
           "Ikaw ha, hindi mo na ako ginagalang niyan, nabwibwisit na ako sa iyo," madiing saway niya.
           Bigla namang nanahimik ito pagkatapos ay muli siyang sinulyapan na seryosong-seryoso ang mukha. "Hindi, iyon kasi ang gusto kong isipin. Ang gusto ko wala ka nang galit sa kanya, dahil pag nagkaganoon ibig sabihin ako na ang