lalaking higit na mahalaga o pinakamahalaga para sa iyo. Dahil ganoon ka sa akin, ganoon ka para sa akin. Ang ipinagtapat ko sa iyo gustong-gusto lang kita pero ang totoo higit pa roon ang nararamdaman ko pinipigilan ko lang ang sarili kong sabihn dahil gusto ko maayos na muna ang lahat bago ko pa sabihin ang mga katagang iyon." Bigla nitong inapakan ang preno at itinigil ang sasakyan. Muli siya nitong sinulyapan at tinitigan sa mga mata. "Pero ngayon nagbago nang isip ko.... ayoko nang magsayang ng kahit na kunting sandali.... mahal kita Alana, mahal na mahal." Dahan-dahan nitong hinawakan ang isang kamay niya. Naramdaman agad niya ang pagmamahal nito para sa kanya. Nararamdaman niyang totoo ang inaalay na pagmamahal nito para sa kanya. Pero pinigilan niya agad ang sarili niya na sumagot. Pinilit