niyang itinago dito ang nararamdaman niya, mabuti na nga lang at bigla itong nagsalita at bumawi na parang balewala.
"O ayan nasabi ko na sa iyo. Ngayon alam mo nang mahal na mahal kita at patay na patay ako sa iyo," relaks na relaks na sabi nito. "Ooops huwag kang sasagot baka mamaya masaktan lang ako sasabihin mo," pabirong sabi nito na kunwang nag-aalala.
Ngumiti lang siya bago nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy naman muli ito sa pagmamaneho. Pareho silang natahimik sa kanilang kinauupuan. Medyo natatagalan na ang kanilang pananahimik kaya umubo ito ng bahagyai, tumingin sa kanya at humirit. "Hindi mo pa ba talaga ako sasagutin ngayon ha?"
"Hindi," mabilis at medyo napalakas na sagot niya. "Hahayaan lang kitang manligaw at nakikipag-kaibigan lang ako, naalala mo..."