pagtulak mo sa akin. Huwag kang mag-alala hindi ako mahuhulog rito."
        Kaya linakasan naman nito ang pagtulak. Tuwang-tuwa ang bata habang mabilis na nagpabalik-balik ang swing. Habang patuloy na naglalaro ang bata ay naglakas loob na ito na muli siyang kausapin. Lumapit ito at humarap sa kanya. "Hindi naman siguro masamang mag-usap tayo habang pinapasyal natin si Miggy..."
        Huminga siya ng bahagya. "Oo hindi naman siguro," atubiling sagot niya na nakatingala rito sa harapan niya.
        Hahawakan nito sana siya para alalayan papunta sa may upuan pero pinigil nito ang sarili. Naunang nagpunta ito sa isang bench. Umupo agad ito at pinagmasdan siya habang papalapit. Tahimik na umupo siya sa tabi nito. Medyo nahihirapan siya sa sitwasyon nilang dalawa. Napansin