nito. "Ikaw Ate Alana, mahilig ka rin bang magpunta sa park ha?"
        Nakangiting huminga muna siya nang malalim bago sumagot. "Oo mahilig rin akong magpunta sa park, lalo na ng kasing edad mo pa ako." Napansin niyang nakatinging muli sa kanya si Henry. Nginitian niya na rin ito.
        "Mabuti naman pala at gusto mo rin ang pupuntahan natin," natutuwang sagot ng bata. Nagpatuloy sila sa paglalakad at ilang sandali ay narating na nila ang park na gustong puntahan nito. Mabilis naman itong tumakbo papalapit sa isang swing. Humawak agad ito sa magkabilang lubid at umupo. "Kuya tulak niyo naman ako."
        "O sigi ba," sagot naman nito at agad itong itinulak ng marahan.
        Natuwa naman agad ito. "Lakasan mo pa kuya ang