"Sigurado po kayo senyorito?" tanong nito.
"Siguradong-sigurado," mabilis na sagot nito at muling nginitian siya.
Umalis naman agad ito para makapag-grocery na. Hindi na siya nakaimik. Sumulyap siyang muli kay Henry habang naglalakad. Napansin niyang masaya na uli ito. Hindi pa rin siya umiimik pero kahit hindi niya aminin ay sumaya rin siya na makitang nakatawa na uli ito.
"Saan ba tayo pupunta Kuya Henry ha?" tanong agad nito.
"Ha, eywan ko sa iyo, ikaw naman itong nauuna maglakad eh, nakasunod lang naman kami sa iyo," pabirong sagot nito rito.
"Punta na lang tayo ng park, parang gusto ko kasing maglaro ng swing o kaya padausdusan," sagot naman agad