nitong nahihirapan siya sa muli nilang pagsasamang dalawa. Kaya huminga ito nang malalim at muling nagsalita. "Ikaw naman Alana, may boyfriend ka pala eh," umpisa nito na sumulyap ng bahagya sa kanya mula sa kanyang kinauupuan.
       "Oo nga eh, mayroon pa pala, nagkamali ako," sagot naman nito na pumilit ngumiti.
       "Oo nga sayang talaga..." nasabi na lang nito.
       "Patawarin mo ako Henry, nadamay ka pa sa mali kong akala, sa pagkakamali ko," paumanhin niya na nakatingin sa batang patuloy at tuwang-tuwa habang nagswi-swing.
       "Hindi mo kailangang humingi ng tawad Alana, kahit papano dahil sa pagkakamali mo ay nagkaroon ako ng pagkakataong makasama ka," seryosong sagot nito.
       "Hindi ka nagagalit sa akin Henry..." tanong muli niya.