pagsasalaysay niya dito. "At iyon ang pangarap ko, ang magkaroon ng mga anak na katulad ko..."
"Ang ibig mong sabihin...."
"Oo, pag nahanap ko na ang babaeng makakasama ko habang-buhay, sisiguruhin kong magpapasalamat din ang magiging mga anak ko dahil ako ang naging ama nila at minamahal ko nang tapat ang mommy nila."
"Aba, ang swerte naman pala ng mga magiging anak mo, Henry."
"Oo. Pero mas maswerte ang magiging mommy nila, dahil may saksakan na siyang poging asawa, mabait at matapat pa," mayabang niyang sagot dito.
"Magandang pakinggan iyang mga sinabi mo, pero magawa mo nga kaya iyan," tanong agad nito.