"Makinig ka muna... Alam mo ako, para sa akin mula ng bata pa ako, napakaswerte kong tao. Lumaki ako na humahanga sa Step Dad ko. Nakita ko kong gaano niya kamahal ako at ang mommy ko. Marami akong mga kaibigan, at parati kong naririnig ang mga problema at hinanakit nila sa ginagawang pambabae ng mga Daddy nila. Poro away at bangayan na lang ng kani-kanilang mga magulang ang nakikita nila pag-uwi. Naawa ako pag pinagmamasdan ko silang umiiyak dahil wala silang pambayad sa matrikula nila, dahil inuubos ng mga tatay nila ang sahod ng mga ito sa piling ng iba't-ibang mga babae.  At sa tuwing maririnig ko nga ang kanilang mga kwento ay nagpapasalamat ako na binigyan ako ng tadhana ng isang mabuti at mapagmahal na ama. Maswerte akong tao dahil masaya ang pamilya ko, masaya ako bilang anak ng Daddy ko,"  nagmamalaking