pagkalipas ng ilang araw ay nagpasya na akong balikan ka sa bangkong pinagtratrabahuhan mo para makipagkilala sana. Pero, sa kalye pa lang habang nagmamaneho ako nakita kitang umiiyak at mabilis na naglalakad. Nang makita kitang sumakay sa isang taxi, ay nagpasya akong sundan ka. Pinagmamasdan kita habang kumukuha ka ng kwarto sa may resort. At nang nasa loob ka na ng kwarto mo, ang totoo nasa labas lang ako ng pintuan mo. Parang gusto kong kumatok at magpakilala sa iyo. At nang magkalakas-loob na nga akong kumatok ay bigla ka namang lumabas ng kwarto na umiiyak, ni hindi mo nga ako napansin eh. Kaya alam mo na ang sumunod na nangyari, bigla akong nagpakabayani sa iyo," mahabang salaysay niya at tiningnan mabuti ang mukha nito.
Natahimik sandali ito sa narinig. "Ang lungkot ko pala talaga, sa tangkad at laki mong iyan hindi kita napansin,"